Labor Sec. Silvestre Bello nabakunahan na kontra COVID-19
Tumanggap na bakuna kontra COVID-19 si Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III.
Si Bello ay binakunahan ng kaniyang unang dose ng AztraZeneca COVID-19 vaccine sa Ilagan City, Isabela araw ng Sabado, May 15.
Ang nagturok ng bakuna kay Bello ay personnel mula sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Si Bello ay kabilang sa priority group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa ilalim ng the National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).
Isa na kasing senior citizen si Bello.
Hinikayat ni Bello ang iba pang nasa ilalim ng priority groups na magpabakuna na at samantalahin ang libreng vaccination program ng gobyerno.