BBM nanguna pa rin sa November Presidential Surveys

BBM nanguna pa rin sa November Presidential Surveys

Nananatiling top preferred presidential candidate si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa pinakahuling survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. na isinagawa mula November 16-24 na nilahukan ng 10,000 respondents, 24% ang pumili kay Marcos Jr. bilang kanilang presidente, sinundan ito ni Manila Mayor Francisco Domagoso na nakakuha ng 22% percent.

Lumabas din sa broadsheet polls na patuloy na umaani ng popularidad at suporta si Marcos Jr. sa kabila ng mga petisyon at propaganda laban sa kanya.

Nanguna siya sa Manila Times Oct. 26-Nov. 2 survey sa pamamagitan ng 68% o 1,020 respondents.

Sa pinakahuling multi-platform survey ng Manila Bulletin mula Nov. 19-21, lumitaw na mananalo si BBM ng 71.5% ng mga boto kung gaganapin ang eleksyon sa mga nabanggit na petsa.

Sa 68% at 71.5% na paborableng boto para kay Marcos Jr., kahit pagsamahin ang mga boto ng kanyang mga katunggaling kandidato ay hindi pa rin sapat para maungusan siya.

Sa independent at non-commissioned poll done ng PUBLiCUS Asia Inc. na tinawag na “PAHAYAG: FINAL LIST” mula Nov. 16-18 na nilahukan ng 1,500 respondents na registered voters, mula sa market research panel ng mahigit 200,000 Filipinos, sinabi ng PUBLiCUS na “former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr (BBM) holds commanding leads across all regional groups. His lead is widest in NCL (Northern and Central Luzon) and MIN (Mindanao).”

“Upon comparing the numbers with those obtained from the PAHAYAG: Q3 survey, we find that BBM posted a gain of around 7%,” dagdag pa nito.

Samantala, Nov. 15 nang kumpirmahin ng Social Weather Stations (SWS) ang resulta ng kanilang Oct. 22-23 Stratbase-commissioned face-to-face survey conducted na nilahukan ng 1,200 registered voters sa buong bansa. Lumitaw sa survey ang pumili kay Marcos Jr. bilang kanilang top choice sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na taon.

Sa isang news article, sinabi ng Eurasia Group consultancy na “without the popular [Sara] Duterte-Carpio in the presidential race, Marcos is frontrunner, with 60% odds of victory, though there is a long road ahead.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *