WATCH: Bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal isinailalim sa General Community Quarantine

WATCH: Bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal isinailalim sa General Community Quarantine

Isinailalim sa General Community Quarantine ang bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal.

Bunsod ito ng pagkakaroon na ng UK variant ng COVID-19 sa bayan.

Ayon sa pamahalaang bayan ng Montalban, iiral ang GCQ mula ngayong araw March 16 hanggang sa March 31.

Sa bisa ito ng executive order ni Mayor Tom Hernandez.

Sa ilalim ng pag-iral ng GCQ ipatutupad ang mga sumusunod:

– Mayroong Public Safety Hours mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga (sa mga oras na ito, lahat ay dapat nasa loob ng bahay, maliban lamang sa mga magtatrabaho, mayroong APOR ID, mayroong official ID, may emergency
– ang mga pharmacy, ospital, convenience stores at delivery ng goods ay maaring mag-operate ng 24 oras, gayundin ang BPO
– ang mga restaurants, restobars at kahalintulad ay dapat magsara ng hindi lalagpas sa alas 10:00 ng gabi
– bawal ang pagdaraos ng sabong lalo na ang community cockfighting
– bawal muna ang pagdaraos ng physical graduation o Oath-taking Ceremonies kung ang kalahok ay aabot sa mahigit 10 katao. Hinihimok ang pagdaraos ng virtual graduation o oath-taking ceremonies.

Sa mga workplaces sa loob ng bayan ng Montalban, iniuutos ang pagtatayo ng COVID-19 Task Force, kailangan din silang maglaan ng transportation sa kanilang mga empleyado.

Hindi muli papayagan ang operasyon ng mga swimming pool kabilang ang mga nasa loob ng clubhouse o private pools kasama ang mini resort.

Suspendido ang operasyon ng mga gym, spa, at internet cafe.

Ipatutupad din ang liquor ban at bawal ang pagbebenta ng lahat ng uri ng nakalalasing na inumin.

Ipinaubaya naman sa mga barangay ang pasya kung magpapagamit ng quarantine passes sa kanilang mga residente.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *