Bayan ng Enrile sa lalawigan ng Cagayan isinailalim sa MECQ
Inaprubahan ng Region 2-Inter-Agency Task Force (RITF) ang rekomendasyon ni Enrile, Cagayan Mayor Miguel Decena Jr. na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong bayan ng Enrile sa loob ng labing-apat (14) na araw.
Simula kahapon, Oct. 7 ay pinairal na ang MECQ sa Enrile at tatagal ito hanggang sa Oct. 21, 2020.
Ang pagsasailalim sa MECQ sa nasabing bayan ay bunsod ng patuloy na pagdami ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 na pawang local at community transmission.
Sa pag-iral ng MECQ, mas mapapadali ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga mamamayang tinamaan ng ng COVID-19.
Mas mapapadali na rin ang pagpapatupad ng anti-COVID 19 protocols para hindi lumala pa ang insidente ng hawaan.
Ang bayan ng Enrile ay mayroon ng 50 na aktibong kaso ng virus kung saan 30 dito ay mga aktibong kaso.