Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 5 na lindol
Patuloy na nakararanas ng may kalakasang pagyanig sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala pa ng magnitude 5 na pagyanig sa 91 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani alas-10:25 umaga ng Huwebes (September 24).
May lalim na 46 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.
Narito ang mga naunang pagyanig na naitala:
– 2:12AM Magnitude 3.2 (Bayabas, Surigao Del Sur)
– 3:18AM Magnitude 3.0 (Bayabas, – – 6:19AM Magnitude 5.1 (Bayabas, Surigao Del Sur)
– 8:38AM Magnitude 3.8 (Bayabas, Surigao Del Sur)
– 8:55AM Magnitude 3.5 (Bayabas, Surigao Del Sur)
Ang mga pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na lindol sa lugar noong September 21.