Bayabas, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 21 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas ala 1:31 ng madaling araw ngayong Martes (January 26).
May lalim na 21 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (D. Cargullo)