Bayabas, Surigao del Sur ng magnitude 6.1 na lindol
Tumama ang malakas na magnitude 6.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 66 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-6:13 umaga ng Lunes (September 21).
May lalim na 77 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang instrumental intensity 1 sa Surigao City; Gingoog City.
Ayon sa Phivolcs walang inaasahang pinsala sa nangyaring lindol, pero maari itong magdulot ng mga aftershocks.
Kaninang 6:21 ng umaga ay nakapagtala na ng magnitude 5.3 na aftershock.
May naitala ding magnitude 3.1 kaninang 6:16 ng umaga at magnitude 3.6 kaninang 6:28 ng umaga.