Bawal pa ring lumabas: Metro Mayors hindi pumayag na makalabas at makapunta na sa mall ang mga menor de edad
Nagpasya ang Metro Manila Mayors na huwag pa ring payagan ang mga menor de edad na makalabas na ng bahay at makapunta na sa mga mall.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, unanimous ang pasya ng mga mayor sa Metro Manila.
Ang lahat aniya ng 17 ay nagdesisyon na huwag pa ring payagan ang mga menor de edad na makalabas ng bahay sa ilalim ng pag-iral ng general community quarantine.
Ang pasya ng mga alkalde ang pasya matapos ang konsultasyon nila sa Philippine Pediatric Society.
Sa ngayon mananatili na edad 18 hanggang 65 ang papayagang makalabas ng kanilang mga tahanan sa Metro Manila.
Una nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na maaring mapayagan na ang mga menor de edad na makapunta sa mall basta’t may kasamang magulang o guardian.
Subalit kalaunan ay nilinaw ng opisyal na mangyayari lamang ito kung mayroong ipapasang ordinansa ang mga lokal na pamahalaan.