Bawal ang “no vaccine, no work policy” – DOH

Bawal ang “no vaccine, no work policy” – DOH

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) na bawal ang pagpapairal ng “no vaccine, no work policy”.

Ayon sa DOH, salig sa DOLE Advisory No. 3 Series of 2021, maaring hikayatin ng mga employer ang kanilang mga empleyado na magpabakuna.

Gayunman, hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa empleyadong ayaw pang magpabakuna o hindi pa nababakunahan.

Sa ilalim din ng Republic Act 11525 nakasaad na ang vaccine card ay hindi dapat gawing dagdag na requirement para sa paghahanap ng trabaho.

Kasabay nito nanawagan ang DOH sa publiko na huwag maniwala sa mga balita na hindi makapapasok sa trabaho o hindi makatatanggap ng ayuda ang mga walang bakuna.

Ayon sa DOH, tuluy-tuloy din ang bakunahan umulan man o umaraw at kahit pa mag-ECQ. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *