Batang nasawi sa pagkalunod habang maghahatid sana ng module sa Laguna, “fake news” ayon sa DepEd

Batang nasawi sa pagkalunod habang maghahatid sana ng module sa Laguna, “fake news” ayon sa DepEd

Hindi totoong maghahatid ng module sa kaniyang paaralan ang batang nasawi sa pagkalunod sa Biñan, Laguna.

Paglilinaw ito ng Department of Education (DepEd) kasunod ng mga ulat na mayroong isang estudyante at tatlong out-of-school youth na nasawi sa Biñan.

Ayon sa pahayag ng DepEd hindi totoo ang mga balita at social media posts na nagsasabing nalunod ang isang bata habang tangkang ihahatid ang kaniyang self-learning modules sa paaralan.

Batay sa incident reports mula sa Schools Division Office (SDO) ng Biñan at report mula sa pulisya, ang bata kasama ang iba pa ay lumabas para maghatid ng mga damit sa isang mangingisda na ama ng isa sa mga biktima ng pagkalunod.

Kinumpirma din ito ng mangingisda.

Sinabi ng DepEd na noong mismong araw na nangyari ang insidente ay naabisuhan na ang publiko na lahat ng paaralan ay sarado dahil sa bagyo.

Nakipag-ugnayan na ang DepEd sa mga media outlet para burahin ang mga maling artikulo.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *