Batanes niyanig ng magnitude 3.5 na lindol
Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa lalawigan ng Batanes.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 15 kilometers southeast ng Sabtang alas 6:18 ng umaga ngayong Linggo, Sept. 6.
Ayon sa Phivolcs may lalim na 1 kilometer lamang ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III:
Sabtang; Uyugan; at Ivana, Batanes
Intensity II:
Basco at Mahatao, Batanes
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang pagyanig. (END)