Batanes at Davao Oriental kapwa niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Magkasunod na tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Batanes at Davao Oriental.
Sa datos mula sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4.0 na lindol sa Itbayat, Batanes alas 5:15 ng umaga ng Biyernes (Nov. 26).
120 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Samantala, alas 5:38 naman ng umaga nang tumama din ang magnitude 4.0
na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.
15 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.
Ayon sa Phivolcs, ang nasabing pagyanig ay aftershock ng 7.1 na lindol na naitala sa Governor Generoso noong August 12, 2021.
Kapwa naman hindi nagdulot ng pinsala ang dalawang lindol. (DDC)