Basilan Rep. Mujiv Hataman asawa nitong si Mayor Dadah Hataman positibo sa COVID-19

Basilan Rep. Mujiv Hataman asawa nitong si Mayor Dadah Hataman positibo sa COVID-19

Kapwa nagpositibo sa COVID-19 si Basilan Lone Dist. Rep. Mujiv Hataman at asawa niya na si Isabela City Mayor Dadah Hataman.

Sa kabiyang post sa Facebook page kinumpirma ni Rep. Hataman na nagpositibo silang mag-asawasa sakit habang hinihintay pa nila ang resulta ng test ng kanilang mga anak at mga kasama nila sa bahay.

Sinabi ni Hataman na nakaranas sya at kaniyang maybahay ng ubo kaya nagpasya silang magpasailalim sa test at positibo ang resulta.

Sa ngayon ay kapwa naka-quarantine ang mag-asawa sa Basilan.

“Maingat at mahigpit kaming sumunod sa safety measures. Pati na rin sa sino mang nakakasalamuha namin dito. Pero heto pa rin ang aming situwasyon. Tunay nga: Sa ganitong mga panahon, magkakarugtong ang kalusugan at kapalaran nating lahat,” ayon pa kay Cong. Hataman.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *