BASAHIN: Mga lugar na maaapektuhan ng rotational brownout sa Luzon ayon sa NGCP
Dahil sa manipis na reserba sa kuryente, may rotational brownout pa din sa maraming lugar sa Luzon.
Narito ang mga lugar na maaring maapektuhan ng Manual Load Dropping (MLD) ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP):
– CAGELCO II (parts of Cagayan)
– PELCO I (parts of Pampanga)
– APEC (parts of Albay)
Ang MLD ay maaring maganap sa pagitan ng alas 11:00 ng umaga at alas 12:00 ng tanghali ayon sa NGCP.
Nauna nang nagpalabas ng listahan ang Meralco sa mga lugar sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan na maaring maapektuhan ng rotational brownout.