Barko ng Philippine Red Cross lulan ang relief goods dumating na sa Catanduanes
Dumating na sa Catanduanes ang barko ng Philippine Red Cross na may hatid na relief goods para sa mga apektadong residente doon.
Lulan ng M/V PRC Amazing Grace ng Red Cross ang mga karadagang relief tulad ng kitchen sets, sleeping mats at blankets, mosquito nets, GI sheets, hygiene kits, jerry cans, vans at Willy jeep.
Dumaong ang barkong M/V PRC Amazing Grace sa Catanduanes para mamahagi ng humanitarian aid sa buong Bicol region.
Sakay din ng barko ang dalawang Red Cross vehicle upang makatulong sa mabilis na pamamahagi ng ralief sa rehiyon.
“Tunay na kakikitaan ng bayanihan, pagsusumikap at may iisang buhat ang mga kababayan natin sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte.” ayon kay Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon.