Ban sa lahat ng flight galing UK pinalawig ng 14 na araw pa
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na palawigin pa ang susoensyon ng lahat ng flights galing United Kingdom.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. iiral ng dalawang linggo pa ang flight suspension pagkatapos ng Dec. 31, 2020.
Inaprubahan din ng pangulo ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na istriktong mandatory 14-day quarantine sa lahat ng biyahero na galing sa mga bansang may bagong variant ng COVID-19.
Kabilang dito ang Hong Kong, Singapore, at Australia.
Ito ay kahit pa mayroong negatibo g resulta ng RT-PCR test ang pasahero pagdating nila sa bansa.
Lahat naman ng positive RT-PCR specimens ng mga UK traveller ay automatic na dadalhin sa Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at sa University of the Philippines National Institutes of Health, para sa genome sequencing.