Balik-pasada ng provincial buses malaking tulong sa mga commuter ayon sa

Balik-pasada ng provincial buses malaking tulong sa mga commuter ayon sa

Ikinatuwa ng transport advocacy group ang pasya ng gobyerno na muling pumasada ang provincial buses papasok sa Metro Manila.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, Founding President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), mas magiging maginhawa na sa mga manggagawa ang pagkakaroon muli ng biyahe palabas at papasok ng Metro Manila.

Batay sa obserbasyon ni Inton, dumami ang mga colorum na sasakyan noong isinailalim ang bansa sa enhanced community quarantine (ECQ), at itinigil ang biyahe ng mass transportation kabilang na ang mga provincial bus.

Napipilitan kasi aniya na sumakay sa colorum na mga sasakyan ang commuters at nagbabayad ng mas mataas na pasahe, dahil wala naman silang ibang masakyan.

Ang iba naman daw ay napilitang kumuha ng mauupahang bahay sa loob ng NCR upang makapasok lamang sa trabaho.

Paliwanag ni Inton, tanggap nila ang mga ipatutupad na health and safety standards sa pagsakay sa mga bus, ngunit kailangan pa rin magdagdag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng iba pang ruta, upang mabigyan na rin ng masasakyan ang mga commuter na nasa ibang lalawigan papasok ng Metro Manila.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *