Bahagi ng Villa Carolina sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa isinailalim sa Extreme Localized Community Quarantine

Bahagi ng Villa Carolina sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa isinailalim sa Extreme Localized Community Quarantine

Isinailalim sa Extreme Localized Community Quarantine ang bahagi ng Villa Carolina 2 sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Sa abiso ng Muntinlupa City LGU, isinailalim sa ELCQ ang Mahogany St. at Kamagong St. hanggang alas 6:00 ng gabi ng Setyembre 8, 2021.

Isinailalim ang lugar sa lockdown dahil sa naitalang mataas na attack rate.

Mayroon ding high risk groups gaya ng mga senior citizens at mga kabataan na nasa 5 taong pababa ang nasabing lugar.

Magbibigay ang lokal na pamahalaan at barangay ng ayuda sa kasagsagan ng lockdown.

Magsasagawa rin ng mass testing ang City Health Office at paiigtingin ang detection-isolation-treatment strategy sa naturang lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *