Bahagi ng tulay na mag-uugnay sa BGC at Ortigas bubuksan na sa Mayo
Magkakaroon na ng partial opening ang BGC-Ortigas Road Link Project sa May 2021.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) target mabuksan sa nasabing buwan ang Sta. Monica-Lawton Bridge.
Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, ang Sta Monica-Lawton Bridge, ay tumatawid ng Pasig River at magkukunekta sa Lawton Avenue sa Makati City at Sta. Monica Street sa Pasig City.
Kaunting finishing works na lamang aniya ang kailangan at matatapos na ito.
Patuloy naman ang full blast works sa rehabilitasyon at widening sa Brixton Street kanto ng Reliance Street patungo sa Fairlane Street.