Bahagi ng Quezon inuulan dahil sa tail-end of a frontal system
Nakararanas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng lalawigan ng Quezon dahil sa tail-end of a frontal system.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga ngayong January 1, 2021, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang nararanasan sa San Narciso, San Andres, San Francisco at Mulanay.
Pinayuhan ang publiko at ang local Disaster Risk Reduction and Management Offices na bantayan ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.