Bahagi ng Muntinlupa at Parañaque makararanas ng water service interruption
Makararanas ng water service interruption ngayong araw ang bahagi ng Muntinlupa at Parañaque.
Sa inilabas na abiso ng Maynilad, mula alas 12:00 ng tanghali ngayong Lunes (March 8) hanggang ala 1:00 ng madaling araw bukas (March 9) ay maaring makaranas ng low pressure hanggang sa no water supply ang sumusunod na mga barangay:
Parañaque City
– BF Homes
– Don Bosco
– Marcelo Green
– San Antonio
– San Martin De Porres
Muntinlupa City
– Sucat
Ayon sa Maynilad, dahil ito sa quality issue ng tubig na galing ng Laguna Lake at pumapasok ng Putatan Treatment Plant.