Bagyong Tonyo magla-landfall sa Batangas o Quezon; TCWS nakataas sa Metro Manila at marami pang lugar
Posibleng mag-landfall sa bisinidad ng Batangas o Southern Quezon ang sentro ng bagyong Tonyo.
Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 90 kilometers South Southeast ng Alabat, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras .
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwestward.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– western portion ng Albay (Polangui, Oas, Ligao City, Pio Duran, Libon)
– western portion ng Masbate (Aroroy, Mandaon, Balud) – Burias Island
-Quezon including Polillo Islands
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Batangas
– Metro Manila
– Bataan
– Marinduque
– Romblon
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro including Lubang Island
– Calamian Islands
– northwestern portion of Aklan (Buruanga, Ibajay, Tangalan, Makato, Numancia, Nabas, Malay)
– northern portion of Antique (Pandan, Libertad, Caluya)
Ngayong araw, ang bagyong Tonyo ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Mindoro Provinces, northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Aurora, at sa eastern portions ng mainland Cagayan at Isabela.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.
Bukas ng umaga inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.