Bagyong Quinta napanatili ang lakas; Signal No. 1 itataas sa Metro Manila at mas marami pang lalawigan
Napanatili ng Tropical Depression Quinta ang lakas nito habang kumikilos papalapit sa Bicol Region.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 610 km East ng Juban, Sorsogon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Marinduque
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Northern Samar
– northern portion ng Masbate (Mobo, Uson, Milagros, Masbate City, Baleno, Mandaon, Balud, Aroroy, Dimasalang) kabilang ang Ticao at Burias Islands
– southern portion ng Quezon (Atimonan, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, Buenavista, San Narciso, San Andres, San Francisco, Guinayangan, Calauag, Tagkawayan, Quezon, Alabat, Perez)
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Quinta ay tatama sa kalupaan ng Bicol Region bukas ng gabi o sa Lunes ng umaga.
Lalakas pa ang bagyo at aabot sa tropical storm category sa susunod na 12-oras.
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga, ang bagyo ay maghahatid ng mahina hanggang sa katamtaman pag-ulan sa MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, Caraga, at Quezon.
Sa susunod na weather bulletin ng PAGASA, magtataas na rin ng signal number 1 sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Mindoro Provinces, Romblon, at nalalabing bahagi ng Quezon. (END)