Bagyong Quinta nakalabas na ng bansa; lumakas pa habang nasa bahagi ng West PH Sea

Bagyong Quinta nakalabas na ng bansa; lumakas pa habang nasa bahagi ng West PH Sea

Nakalabas na ng bansa ang Bagyong Quinta na mayroong international name na Molave.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 775 kilometers west ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Lumakas pa ito at taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Sa kabila ng paglabas na ng bansa ng bagyo nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Kalayaan Islands.

Ang Typhoon Quinta ay magdudulot pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Western Visayas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands.

Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman sa malakas na buhos ng ulan sa CALABARZON, Davao Region, Cagayan, Isabela, Aurora, at Surigao del Sur.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *