Bagyong Quinta lumakas pa isa nang ganap na typhoon; Signal No. 3 nakataas na sa ilang lalawigan sa Bicol
Lumakas pa ang bagyong Quinta at umabot na sa typhoon category ayon sa PAGASA.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 70 kilometers East Northeast ng Legazpi City, Albay.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 3 sa sumusunod na mga lugar:
– Catanduanes
– eastern portion ng Camarines Sur (Goa, Ocampo, Bula, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose, Tigaon, Sagnay, Buhi, Iriga City, Baao, Nabua, Bato, Balatan)
– Albay
– Sorsogon
– Burias at Ticao Islands
Signal number 2 naman sa sumusunod na lugar:
– Camarines Norte
– rest of Camarines Sur
– central at southern portions ng Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Dolores, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Perez, Alabat, Calauag, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Plaridel, Gumaca, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Macalelon, Catanauan, General Luna, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco)
– southeastern portion ng Laguna (Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Luisiana, Majayjay, Liliw, Rizal, Nagcarlan, San Pablo City, Alaminos, Magdalena, Pagsanjan)
– Batangas
– Marinduque
– Romblon
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
– Northern Samar
At signal number 1 ang nakataas sa
– nalalabing bahagi ng Quezon
– nalalabing bahagi ng Laguna
– Rizal
– Cavite
– Metro Manila
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, Castillejos, Subic, San Antonio, Olongapo City, Botolan, Cabangan)
– Calamian Islands
– northern portion ng Samar (Calbayog City, Matuguinao, Tagapul-An, Santo Nino, Almagro, Santa Margarita, Gandara, San Jose de Buan, Pagsanghan, Tarangnan, San Jorge, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas)
– northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras, Dolores, Can-Avid, Taft)
– northern portion of Capiz (Sapi-An, Ivisan, Roxas City, Panay, Pilar, Pontevedra, President Roxas)
– Aklan
– northern portion of Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi)
– northeastern portion of Iloilo (Batad, Balasan, Estancia, Carles)
Ang bagyo ay tatama sa eastern coast ng Camarines Sur o northeastern coast ng Albay ngayong gabi.
Bukas ay dadaan ito sa Southern Luzon area bago dumeretso sa West Philippine Sea.
Sa Martes ng tanghali ay inaasahang lalabas na ito ng bansa.
Hanggang bukas ng umaga ang bagyo ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, CALABARZON, Aurora, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Calamian Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Aklan, Capiz, at Antique.