Bagyong Ofel nakalabas na ng bansa, patungo na ng Vietnam
Lumabas na ng bansa ang tropical depression Ofel kaninang alas 4:00 ng madaling araw.
Ayon sa final weather bulletin ng PAGASA patungo na ng Vietnam ang bagyo.
Huli itong namataan sa layong 500 kilometers west ng Iba, Zambales.
Taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-west northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na maghahatid pa rin ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang Habagat sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, Bangsamoro at Zamboanga Peninsula.
Northeasterly Surface Windflow naman ang umiiral sa Cagayan VAlle, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Central Luzon.
Habang localized thunderstorms naman at Habagat ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.