Bagyong Marce palabas na ng bansa; panibagong LPA nabuo sa loob ng PAR

Bagyong Marce palabas na ng bansa; panibagong LPA nabuo sa loob ng PAR

Halos hindi kumikilos ang tropical depression Marce.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,300 kilometers east northeast ng extreme northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong 70 kilometers bawat oras.

Sinabi ng PAGASA na nakatakda na ring lumabas ng bansa ang naturang bagyo.

Samantala, isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang nabuo sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 75 kilometers northeast ng Borongan, Eastern Samar.

Maliit naman ang tsansang maging ganap na bagyo ang nasa LPA.

Dahil sa nasabing LPA, ang Visayas at Zamboanga Peninsula ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Magiging maaliwalas naman na ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila. (END)

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *