Bagyong Kiko magpapaulan sa Extreme Northern Luzon simula sa Biyernes; Signal No. 4 posibleng itaas sa ilang lalawigan
Maliban sa Severe Tropical Storm Jolina isa pang bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.
Ang Typhooon Kiko ay nasa bahagi ng Philippine Sea at ayon sa PAGASA nasa ilalim ito ng rapid intensification.
Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 1,175 kilometers East ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 185 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyongpa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, simula sa Biyernes, makararanas ng pag-ulan sa Extreme Northern Luzon dahil sa Typhoon Kiko.
Posible ring magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa maraming lalawigan sa Northern Luzon simula mamayang gabi o bukas ng umaga.
Ayon sa PAGASA posibleng umabot sa TCWS No. 4 ang itataas sa mga lalawigan na maaapektuhan ng bagyo. (DDC)