Bagyong Julian lalakas pa aabot sa typhoon category ayon sa PAGASA
Lalakas pa ang tropical depression Julian at maaring umabot pa sa typhoon category ayon sa PAGASA.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAHASA sa layong 940 kilometers East ng Casiguran, Aurora o sa 975 kilometers East ng Tuguegarao City.
Ayon sa PAGASA taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Sa susunod na mga oras, inaasahang patuloy na lalakas ang bagyo hanggang sa umabot ito sa typhoon category sa Linggo ng umaga.
Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na mananatili lang sa karagatan ang bagyo kaya hindi naman inaasahang magtataas ng tropical cyclone wind signal.
Sa Lunes ng gabi inaasahang lalabas na ito ng bansa.