Bagyong Julian isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA

Bagyong Julian isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA

Lumakas pa at isa nang severe tropical storm ang bagyong Julian.

Huling namataan ang bagyo sa layong 850 km East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 km/h.

Bumagal ang kilos ng bagyo at halos hindi ito gumagalaw ayon sa PAGASA.

Mananatili sa karagatan ang bagyo at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng gabi.

Lalakas pa ito at aabot sa typhoon category bukas, araw ng Linggo. (END)

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *