Bagyong Fabian lalakas pa at posibleng umabot sa Typhoon Category
Bahagya pang lumakas ang Severe Tropical Storm Fabian na nanananatili sa bahagi ng Extreme Northern Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 960 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 125 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA walang direktand epekto ang bagyo saanmang panig ng bansa.
Gayunman pinalalakas nito ang Southwest Monsoon o Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern Palawan kabilang ang Calamian and Cuyo Islands, Batanes, at Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA tumaas din ang tsansa na maaring magtaas ng signal number sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands dahil sa nasabing bagyo.
Mamayang gabi o bukas ng umaga ay inaasahang lalakas pa ang bagyo at maaring umabot na sa typhoon category.