Bagyong Enteng nasa labas na ng bansa

Bagyong Enteng nasa labas na ng bansa

Nakalabas na ng bansa ang tropical storm Enteng.

Ayon sa PAGASA, patungo na ng East China Sea ang bagyo na mayroong international name na Jangmi.

Huling namataan ang bagyo sa layong 730 km Northeast ng Basco, Batanes o nasa labas na ng Philippine Area pf Responsibility.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 km/h.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 40 km/h.

Samantala ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 250 km West ng Dagupan City, Pangasinan.

Ayon sa PAGASA posibleng maging ganap na bagyo ang LPA sa susunod na 24 na oras.

Dahil sa epekto ng Habagat na pinalalakas ng bagyo at LPA, , makararanas ng monsoon rains ang Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Cavite, Batangas, at MIMAROPA.

Habang minsang pag-ulan naman ang mararanansan sa Metro Manila, Aklan, Antique, nalalabi pang bahagi ng Luzon.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *