Bagyong Enteng lumakas pa, isa nang tropical storm; panibagong LPA binabantayan ng PAGASA

Bagyong Enteng lumakas pa, isa nang tropical storm; panibagong LPA binabantayan ng PAGASA

Lumakas pa ang bagyong Enteng at ngayon ay isa nang tropical storm.

Huling namaaan ang bagyo sa layong 545kilometers East Northeast ng Calayan, Cagayan o sa layong 445 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.

Samantala, isang panibagong Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ngayong araw, ang habagat na pinalalakas ng bagyong Enteng at ang Low Pressure Area ay maghahatid ng monsoon rains sa Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, MIMAROPA, at Antique.

Makararanas din ng minsang pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, at nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at Visayas.

Bukas inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Enteng. (END)

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *