Bagyong Dindo lalakas pa, aabot sa severe tropical storm category sa Lunes
Lalakas pa ang tropical storm Dindo at bukas, araw ng Lunes ay inaasahang aabot na ito sa severe tropical storm category.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 385 kilometers Northeast ng Basco, Batanes
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.
Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo bukas ng umaga.
Wala naman itong direktang epekto sa bansa kaya walang itinaas na tropical cyclone wind signal ang PAGASA.
Ngayong araw, ang Habagat ang maghahatid ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Luzon.