Bagyong Dindo bahagyang lumakas; isa pang bagyo binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa
Bahagya lang lumakas ang tropical depression Dindo.
Huling namataan ang bagyo sa layong 800 kilometers East Northeast ng Tuguegarao City, Cagayan o sa layong 715 kilometers East ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 70kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwestward sa bilis na 10 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 24 na oras magiging northwest ang direksyon ng bagyo at didiretso patungong southern islands ng Ryukyu.
Mananatiling malayo sa landmass ng bansa ang bagyo at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) aa Lunes ng umaga o tanghali.
Inaasahan ding lalakas ang bagyo at magiging tropical storm sa Lunes ng umaga.
Ayon sa PAGASA walang direktang epekto ang bagyo sa bansa.
Pero ang Habagat magpapaulan sa buong Luzon, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Bangsamoro.
Samantala, isa pang bagyo sa labas ng bansa ang binabantayan ng PAGASA.
Huli itong namataan sa layong 1,070 km West ng Northern Luzon.
.