Bagyong Dante na sa karagatan ng Pangasinan; signal number 1 at 2 nakataas sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan

Bagyong Dante na sa karagatan ng Pangasinan; signal number 1 at 2 nakataas sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan

Nasa bahagi ng coast waters ng Pangasinan ang Tropical Storm Dante.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA ngayong Huwebes, May 3 ang bagyo ay huling namataan sa layong 145 kilometers west northwest ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 35 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa sumusunod na mga lugar:

– western portion of Pangasinan (Dasol, Mabini, Burgos, City of
Alaminos, Agno, Bani, Bolinao, Anda)

Signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

– central portion of Pangasinan (Bugallon, Lingayen, Binmaley,
Dagupan City, Mangaldan, Calasiao, San Carlos City, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, Labrador, Infanta, San Fabian, Sual)
– northwestern portion of Tarlac, (San Clemente), and the northern portion of Zambales
(Santa Cruz, Masinloc, Palauig, Candelaria, Iba)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *