Bagyong Dante bahagyang bumagal nananatili sa Philippine Sea
Bahagyang bumagal ang tropical depression Dante habang ito ay nananatili sa silangagn bahagi ng Mindanao.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 835 kilometers East ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras .
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA, hanggang Lunes (May 31) ng gabi ang abgyo ay magdudulot ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Caraga at Davao Region.
Posible ring lumakas pa ang bagyo at umabot sa tropical storm category.