Bagyong binabantayan sa labas ng bansa lumakas pa, isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA

Bagyong binabantayan sa labas ng bansa lumakas pa, isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA

Lumakas pa at isa nang severe tropical storm ang bagyong binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng bansa.

Ang bagyo na mayroong international name na “Haishen” ay huling namataan sa layong 2,100 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 5 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Southwest.

Inaasahang lalakas pa ito at magiging isang typhoon

Sa Biyernes, Sept. 4 sinabi ng PAGASA na posibelng papasok sa bansa ang bagyo.

Pero malayong-malayo pa rin ito sa landmass kaya hindi inaasahang magkakaroon ito ng direktang epekto. (END)

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *