Bagyong Auring lalakas pa, magiging Tropical Storm sa susunod na 24 na oras

Bagyong Auring lalakas pa, magiging Tropical Storm sa susunod na 24 na oras

Sa susunod na 24 na oras lalakas pa ang tropical depression at aabot sa tropical storm category.

Huling namataan ang bagyo sa layong 715 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugaong aabot sa 70 kilometers per hour.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-kanluran.

Sa Linggo ng madaling araw ay magla-landfall ang bagyo sa Caraga region at tatawirin din nito malaking bahagi ng Visayas.

Sa Linggo ng gabi hanggang sa Lunes, maaapektuhan na ng bagyo ang Southern Luzon kabilang ang Bicol Region, MIMAROPA at maging CALABARZON.

Bukas araw ng Biyernes (Feb. 18) ay inaasahang magtataas na ng tropical cyclone wind cignal number 1 sa mga lalawigan sa Caraga at Davao Region.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *