Bagyong Auring bahagya pang lumakas – PAGASA

Bagyong Auring bahagya pang lumakas – PAGASA

Bahagya pang lumakas ang bagyong Auring bagaman na nananatili pa rin sa tropical depression category.

Huling namataan ang tropical depression Auring sa layong 700 kilometers East Southeast ng Hinatuan Surigao del Sur.

Bahagya itong lumakas at taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Wala pang direktang epekto ang bagyo saanmang bahagi ng bansa.

Inaasahang lalakas pa ng bagyo at aabot sa tropical storm category.

Tatama ito sa kalupaan ng Caraga sa Sabado ng gabi o sa Linggo ng umaga.

Gayunman, pinaghahanda na ang mga residente at lokal na pamahalaan sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, Cotabato, at Lanao del Sur sa magiging epekto nito simula sa weekend.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *