Bagyo sa labas ng PAR lumakas pa, isa nang tropical storm – PAGASA
Lalo pang lumakas ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Ang bagyo na mayroong international name na “Chan-Hom” ay huling namataan sa layong 1,735 kilometers east northeast ng Extreme northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA, bukas araw ng Mieyrkules ay maaring pumasok sa northeastern boundary of lalabas ng bansa sa parehong oras.
Bukas ng umaga ay inaasahang lalabas pa ang bagyo at magiging Severe Tropical Storm.
At sa Huwebes ay maaring umabot pa ito sa Typhoon category.