Bagyo sa labas ng PAR binabantayan ng PAGASA; Dalawang LPA magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Isang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA sa labas.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,790 kilometers east ng extreme northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA halos hindi kumikilos ngayon ang bagyo.
Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) naman ang binabantayan ng PAGASA sa 360 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes.
Mayroon ding isa pang LPA na huling namataan sa 425 kilometers West ng Sangley Point, Cavite City, Cavite.
Samantala, apektado naman ng Southwest Monsoon o Habaga ang Southern Luzon, Visayas, at ang Mindanao.
Dahil sa LPA at Habagat, ang Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, BARMM, SOCCSKSARGEN, at lalawigan ng Quezon ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan na mayroong thunderstorms.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.
Habang isolated na pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.