Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa, isa nang tropical storm ayon sa PAGASA

Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa, isa nang tropical storm ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ayon sa PAGASA, nasa tropical storm category na ang bagyo na mayroong international name na “Nyatoh”.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,330 kilometers east ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Sinabi ng PAGASA na posibleng pumasok ng bansa ang bagyo pero wala itong magiging direktang epekto sa bansa.

Para sa weather forecast ngayong araw, ang Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Aurora ay makararanas ng maulap na papawirin dahil sa Amihan.

Ang Visayas at Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Habang Amihan din ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *