Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa, isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA
Lalo pang lumakas ang bagyong nasa labas ng bansa na binabantayan ng PAGASA.
Sa inilabas na tropical cyclone advisory ng PAGASA, nasa secere tropical storm category na ang bagyong may international name na “Goni”.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,545 km East ng Central Luzon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
10 kilometers ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA, papasok sa bansa ang bagyo ngayong araw at tatawagin itong “Rolly”.
Sa susunod na 24 na oras, lalakas pa ang bagyo at aabot sa typhoon category.
Sa ngayon wala pa itong direktang epekto saanmang panig ng bansa.
Pero habang papalapit ito sa eastern sections ng Central at Southern
Luzon, maghahatid na ito ng malakas na buhos ng ulan simula sa Biyernes o sa weekend.
Ayon sa PAGASA, sa Biyernes ng gabi, magtataas na ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) #1 sa ilang lalawigan sa Bicol Region at Northern Samar.