Bagyo sa labas ng bansa lalakas pa at magiging tropical storm ayon sa PAGASA
Lalakas pa ang bagyo na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Alas 10:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 29 ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 1,960 kilometers East ng Central Luzon.
Taglay pa din nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong West Northwest.
Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok sa bansa ang bagyo bukas ng umaga o tanghali.
Papangalanan itong Rolly sa sandaling pumasok na sa bansa.
Sa Sabado patuloy itong kikilos ng patungong Bicol Region.
Posibleng lumakas pa ito at maging isang tropical storm sa susunod na 24 na oras.