Bagyo papasok sa bansa anumang oras; hihina at magiging LPA na lamang

Bagyo papasok sa bansa anumang oras; hihina at magiging LPA na lamang

Nakatakdang pumasok sa bansa sa susunod na mga oras ang bagyo na binabantayan ng PAGASA sa Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,260 kilometers northeast ng extreme northern Luzon.

Ang bagyo ay mayroong taglay na lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong 55 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, kumikilos ang bagyo sa bilis 15 kilometers sa direksyong west southwest.

Hihina ang bagyo at magiging isang LPA na lamang sa sandaling pumasok ng bansa.

Samantala, sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Visayas, Mindanao, Bicol Region, at MIMAROPA ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Localized thunderstorm naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalabi pang bahagi ng Luzon.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *