Bagyo malapit sa Palau papasok sa bansa sa susunod na 18 oras; papangalanang Auring – PAGASA
Nabuo bilang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng bansa at malapit sa Palau.
Sa inilabas na tropical depression advisory ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,070 kilometers East ng Mindanao at nasa labas pa din ng bansa.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 12 hanggang 18 oras ay mabubuo ito bilang ganap na bagyo at papangalanang Auring.
Posibleng tumama ito sa eastern coast ng Caraga-Davao Region sa Sabado o Linggo at maaring lumakas pa bilang Tropical Storm.
Sa ngayon, wala pa itong direktang epekto saanmang bahagi ng bansa.
Pero pinaghahanda na ng PAGASA angmga residente at otoridad sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, Cotabato, at Lanao del Sur, dahil simula sa weekend hanggang Lunes ay maari na silang makaranas ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyo.