Bagong testing at quarantine protocols ipatutupad sa Pebrero 1

Bagong testing at quarantine protocols ipatutupad sa Pebrero 1

Simula sa Pebrero 1, 2020 ay ipatutupad na ang bagong testing at quarantine protocols sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque noong Enero 26, 2021 ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang sumusunod na testing and quarantine protocols para sa mga darating sa bansa:

– ang lahat ng arriving passengers, saang bansa man galing ay required na sumailalim sa facility-based quarantine. Maliban sa swab test sa paliparan, sa ikalimang araw nila sa quarantine facility ay muli silang sasailalim sa RT-PCR test.

– Kapag nag-negatibo sa dalawang test, ieendorso ito sa local government unit kung saan doon itutuloy ang fourteen-day quarantine.

– kailangang tiyaking masusunod ang patient management batay sa guidelines ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases at Department of Health Omnibus Guidelines on Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration Strategies for COVID-19. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *