Bagong Ferry Boat bibiyahe sa Pasig River Ferry Service
Nagkaloob ng bagong ferry boat ang New San Jose Builders, Inc. sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ang nasabing ferry boat ay gagamitin para sa Pasig River Ferry Service.
Sa isinagawang programa, personal na tinanggap ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang bigay na ferry boat.
Ang ferry boat na M/B Vicente ay mayroong 50 seating capacity.
Dagdag ito sa kasalukuyang 11 bangka na nagseserbisyo mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang Escolta sa Maynila, at pabalik.