Bagong disenyo ng 1000 Peso banknotes inilabas na ng BSP
Pormal nang inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang disenyo ng bagong P1000 banknote.
Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang presentasyon sa polymer 1000-Piso banknote sa Malakanyang.
Ayon sa BSP ang unang batch ng Philippine peso banknotes na gawa sa polymer ay darating bansa ngayong buwan galing Australia.
Nagkasundo ang BSP, Reserve Bank of Australia, ang ang subsidiary na Note Printing Australia para sa produksyon ng polymer P1,000 banknotes.
Magsisimula ang sirkulasyon ng bagong P1000 banknotes sa kalagitnaan ng taon.
Ang polymer banknotes ay maaring mai-sanitize nang hindi nada-damage ang banknotes. Mas mahirap din itong gayahin kaya maiiwasan ang pamemeke o pagkalat ng pekeng pera.
Mas durable din ang polymer banknotes at tumatagal kaysa sa paper money dahil water resistant ito at dirt resistant.
Mas sustainable din at environment friendly ang bagong pera dahil sa mas kaunting carbon footprint, mas mababa ang water at energy usage, at less environmental toxicity.
Sa pagitan ng 2022 hanggang 2025, tinatayang 500 milyong piraso ng P1,000 polymer banknotes na nagkakahalaga ng P500 billion ang nasa sirkulasyon. (DDC)